Para maiwasan na maging biktima ng pananambang, gagamit na ang PNP ng mga drones sa kanilang internal security operations.
Sinabi ni PNP chief PDG Oscar Albayalde, malaking bagay ang paggamit ng drones para sa kanilang surveillance operations.
Nasa 700 units na drones ang binili ng PNP at kanila itong idedeploy sa ibat ibang regional mobile forces battalion sa buong bansa at maging standard issue sa kanila.
Nasa P80,000 each ang bawat isang unit ng drone.
Kasama sa mabibigyan ng drones ay ang Bicol region.
Magiging standard issue na aniya ito sa kanila kapag magsasagawa ng mga operasyon.
Giit pa ni PNP chief mabubulabog ang mga kalaban kapag makita ang mga drone.
Sa ngayon wala pang eksaktong petsa para sa pagdating ng drone pero target nila ito makuha bago matapos ang taon.
Binisita ni PNP chief ang napatay na pulis sa ambush sa Aurora.
Aniya, pattern na ang nangyaring pananambang.