-- Advertisements --

Handa na rin ang buong hanay ng pulisya ngayon laban sa posibleng maging hagupit ng bagyong “Henry” at “Gardo” na kasalukuyanng nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Kasunod ito ng naging direktiba ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. sa mga Police Regional Offices na maghanda na sa posibleng magiging epekto ng nasabing bagyo.

Inatasan din niya ang mga ito na mahigpit na makipag-ugnayan sa mga local government unit (LGU) at mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office.

Magugunita na una rito ay nag-abiso na rin ang Natoinal Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga regional offices sa mga lugar na tatamaan ng nasabing kalamidad sa posibleng maging epekto nito.