Nakalatag na ang mga security protocol na upatutupad ng Philippine National Police sa walong araw na paghahain ng kandidatura mula bukas, Oktobre-1 hanggang Oktobre-8.
Ilan dito ay ang pagdedeploy ng mga pulis sa mga local Comelec office upang magbigay seguridad kapwa sa mga kandidatong maghahain ng kanilang kandidatura at sa mga Comelec personnel.
Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, hihigpitan din ng pulisya ang patrol operations hindi lamang sa mga kakalsadahan kungdi sa mga matataong lugar.
Kasabay nito ay pinaalalahanan ng heneral ang mga pulis na maging ‘neutral’ lamang o walang kikilingan.
Ayon sa heneral, ang deployment ng mga ito sa mga Comelec office ay upang magbantay sa seguridad at hindi upang magbigay-suporta sa mga kandidato na maghahain ng kanilang kandidatura.