-- Advertisements --
Nakatakdang maglunsad ang PNP ng Oplan Baklas sa mga iligal na camp posters ngayong 2022 elections.
Sinabi ni PNP Spokersperson Jean Fajardo, na gaya ng mga nagdaang halalan ay kasama nila ang Commission on Election (Comelec) at ilang mga ahensiya para sa nasabing aktibidad.
Tanging ang mga lumabag sa itinakdang poster area at ang size ng mga campaign posters ang kanilang babaklasin.
Nauna ng nagbabala ang Comelec sa pagbabawal sa paglalagay ng mga campaign posters sa pampublikong lugar at kahit sa mga pribadong lugar na walang anumang paalam sa may-ari.