Mag-aalok ng libreng sakay ang Philippine National Police para sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikakasang transport strike ng ilang transport groups sa iba’t-bang bahagi ng Pilipinas sa susunod na linggo.
Ayon kay PNP Public Information Office Col. Jean Fajardo, kasalukuyan na nilang inihahanda sa ngayon ang mga mobility assets ng Pambansang Pulisya na ipapakalat naman upang magbigay ng libreng sakay sa mga commuters.
Aniya, maaaring parahin ng mga apektadong pasahero ang mga magpapatrol na pulis sa kalsada upang maalala yan ang mga ito at mabigyan din ng kaukulang assistance at maihatid sila sa kanilang mga patutunguhan.
Samantala, bukod dito ay patuloy din aniya ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga transport groups kasabay ng kanilang pagpapahayag ng kanilang pagrespeto sa kalayaan ng mga ito sa kanilang pamamahayag.