Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na sanayin ang mga guwardya ng University of the Philippines (UP).
Ito’y upang matiyak ang seguridad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng unibersidad.
Ayon kay Albayalde, “welcome” sa kanya ang pahayag ng UP Vice President for Public Affairs na sanayin ng pulisya ang kanilang mga security guard.
Magandang senyales aniya ito dahil sa wakas ay inamin din nila na may problema ang kanilang unibersidad.
Nabatid na maraming krimen gaya ng pagnanakaw, pagkalat ng iligal na droga at maging kaso ng rape, ay hindi naire-report sa PNP.
Kamakailan lamang ay mismong si Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera ang nagsabi na may problema sa iligal na droga ang UP na hindi kayang aksiunan ng mga security officer ng campus.
Batay sa datos, mula sa mahigit 100 UP police ay nasa 20 lamang ang natitira dahil nagretiro na rin ang mga ito.