Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang Bureau of Immigration (BI) sakaling hihilingin ang kanilang tulong sa pagberipika at pag-validate kung legal o iligal ang pagpasok ng mga Chinese sa bansa.
Reaksiyon ito ni Albayalde kasunod nang naging pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na ang pagdami ng bilang ng mga Chinese sa bansa ay isang national security threat.
Ayon kay PNP chief, papasok lamang ang PNP sa senaryo kapag sangkot sa isang krimen o iligal na aktibidad ang mga Chinese.
Kabilang sa kinasasangkutang krimen ng ilang illegal Chinese national ay sa illegal drugs at illegal online games kung saan marami na rin ang naaresto.
Hindi naman masabi ni Albayalde na talagang banta sa seguridad ang pagdami ng bilang ng mga Chinese sa bansa.
Giit nito na ang national security council ang mas nakakaalam dito, sa panig naman ng pambansang pulisya nakahanda silang tumulong para tugunan ang problema lalo na kapag national security ang pinag-uusapan.