Nakahanda umano ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na imbestigahan at sampahan ng kaso ang mga barangay officials na nasa narco list.
Ayon kay PNP chief P/D/Gen. Oscar Albayalde, bukas ang kanilang hanay anumang request na hihingin ng PDEA sa PNP.
Sang ayon naman si Albayalde na isapubliko ang narco list upang mabigyan ng babala ang mga botante sa kung sinu-sino ang dapat iboto at hindi dapat suportahan sa nalalapit na Barangay at SK elections.
Sinabi ng chief PNP na hihintayin nila ang request mula sa PDEA sa kaso ng mga barangay kapitan at kagawad na kasama sa narco list na inilabas ng PDEA at DILG.
Nasa 207 pangalan ng mga barangay officials na sangkot umano sa operasyon ng illegal drugs ang inilabas ng PDEA at DILG.
Apat na intelligence agencies ng pamahalaan ang nagsanib pwersa para i-validate ang mga pangalan na nasa narco list.