Pinangunahan ni PNP Health Service Director BGen. Luisito Magnaye ang ceremonial vaccination para sa mga Police Medical Frontliners dito sa Camp Crame.
Nasa 200 na mga PNP medical frontliners ang nabakunahan ngayong araw.
Nasa 800 doses ang inilaan ng pamahalaan para sa PNP mula 600,000 donasyong Sinovac vaccine mula sa China na dumating kahapon.
Ayon kay PNP Chief PGen. Debold Sinas, siya sana ang unang magpapaturok pero itinakda ng DOH na mga Health workers ang unang mabakunahan sa first batch ng bakuna na dumating galing China.
Inaasahan aniya na matatapos nila ang pagbabakuna sa unang batch ng Health workers sa loob ng apat na araw.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Magnaye sa bakuna ng Sinovac ng China na itinurok sa kanya.
Bukod kay Magnaye, kasama niyang nagpaturok sina PNPGH Chief, Dr. Cleto Manongas, at PNPGH Deputy Chief Dr. Raymond Ona.
Ayon naman kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to Covid 19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, kumpleto na ang mga nag-boluntaryo na mabakunahan ng inisyal na 800 dose ng bakuna na alokasyon ng PNP General hospital.
Siniguro naman ni Eleazar na magagamit nila ang lahat ng bakuna na naka-“allocate” sa kanila.
Inulat pa ni Eleazar na tumaas din sa 72 poryento ngayong linggong ito, mula sa 70 porsyento noong nakaraang linggo, ang kanilang mga tauhan na pabor na mabukanahan ng Sinovac, base sa kanilang huling survey.
Samantala, nilinaw naman ni DILG OIC Usec Bernardo Florece hindi pa kasama sa rollout ng Sinovac vaccine ang mga LGUs.
Ang dumating na bakuna ay lahat lamang para sa Metro Manila.
Maging ang bakuna mula sa Astrazenica na nasa 525,000 ay donasyon din.
Ang delay ng delivery ng Astrazenica vaccine bunsod sa logistical concern.