Nakahanda ang PNP na humingi ng paumanhin sa apat na unang itinurong persons of interest sa pambobomba sa Jolo Cathedral.
Ayon kay PNP chief PDGen.Oscar Albayalde, wala siyang nakikitang problema kung humingi ng paumanhin ang PNP sa apat.
Nakausap na umano niya ang Provincial Directorsa Sulu na si PSSupt.Pablo Labra II humingi ng dispensa sa apat.
Ganoon pa man depensa ni Albayalde na hindi sila ang nagturo sa apat bilang mga Persons of Interest na kasama si Alays Kamah.
Ang apat kasama ang tatlong eatudyante at isang guro ay itinurong Persons of interest matapos makita ang CCTV FOOTAGE malapit sa Our Lady of Mt Carmel Cathedral noong araw ng pagsabog.
Sinabi ni Albayalde ang malinaw ngayon ay hindi sila napagkamalang hinuli ng mga Pulis sa isang Operation kundi itinuro lamang ng mga testigo matapos makita ang CCTV footage.
Nanindigan din si PNP Chief na hindi back to zero ang imbestigasyon sa pambobomba noong linggo sa Jolo Cathedral.
Ito’y matapos ma-clear bilang persons of interest ang 4 na indibidual na nakunan sa CCTV.
Sinabi ni Albayalde, patuloy ang ginagawang pagtugis sa principal suspek na si alyas Ka mah na siyang logistis officer ng bandidong ASG na may kaugnayan sa Ajang ajang group.
Una nang inamin ng AFP at PNP na hindi kasama si alyas “kamah†sa mga nakunan ng CCTV footage.
Pero giit ni Albayalde na matagal nang nagbabanta si “kamah†na pasasabugan ang katedral mula nang bumalik ito galing Sabah, at malakas ang indikasyon na ang adjang-adjang group ng Abu sayaff ang may kagagawan ng pambobomba.