May mga kaukulang paghahanda ng ginagawa ngayon ang pambansang pulisya dito sa Kampo Crame sakaling sa Custodial Center ikukulong si Senator Leila De Lima.
Ayon kay PNP Spokesperson SSupt. Dionardo Carlos na batay sa naging pahayag ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na sila ay naghahanda na sakaling iutos sa kanila ng korte na arestuhin si Senator Leila De Lima sa oras na maglabas na ng warrant of arrest laban sa senadora.
Pahayag ni Carlos na kapag high profile ang isang indibidwal na aarestuhin, ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nakatoka sa pag aresto sa subject.
At ang CIDG ang nakakakuha ng kopya ng warrant of arrest.
Dagdag pa ni Carlos na ang kanilang ginagawa ay sakaling ipag utos ng korte na sa PNP Custodial Center ikukulong si De Lima kung saan makakasama nito sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Sinabi ni Carlos na maglalaan sila ng lugar para i-accomodate ang babaeng ikukulong sa Custodial center.
Top