-- Advertisements --

Naglabas ng direktiba si PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa sa lahat ng mga opisyal ng PNP sa buong bansa na hindi na nila ipapatupad pa ang Oplan Tokhang sa muling pagbabalik nila sa giyera kontra iligal na droga.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt Guillermo Eleazar na may kautusan ng inilabas ang pamunuan ng PNP ukol dito.

Inihayag ito ni Dela Rosa nung nagsagawa sila ng command conference sa Kampo Crame.

Sinabi ni Eleazar na tapos na ang PNP sa pakikiusap at pagpapasuko sa mga drug suspect.

Aniya, tututukan na nila ngayon ang pagkasa ng mga operasyon laban sa mga drug personalities na hindi sumuko noon at nagpapatuloy pa rin ngayon sa kanilang transaksyon sa iligal na droga

Inihayag ng opisyal na may mga kakatok pa rin sa mga bahay ng mga hinihilang sangkot sa illegal drug trade pero hindi na ito mga pulis.

Ang mga barangay officials at volunteer groups ang siya ng kakatok sa mga bahay ng mga hinihinalaang sangkot sa droga at makikiusap sa mga hinihinalang drug user na magpasailalim sa drug rehabilitation.