Hindi sang-ayon ang Philippine National Police (PNP) sa plano ni Interior Secretary Jonvic Remulla na bawasan ang bilang ng mga PNP generals.
Ipinanukala kasi ni Remulla na mula sa mahigit 100 na mga PNP generals ay dapat maging 25 lamang ito.
Ayon kay PNP public information officer Brig. Gen. Jean Fajardo, na handa sila ng tumugon sa interim organizational structure na isinusulong ni Remulla na siyang magreresulta sa pagiging matagumpay ang mga kapulisan.
Kinumpara ni Fajardo ang PNP sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong 160,000 personnel kasama ang 120 general habang ang PNP ay mayroong 232,000 na personnel ay mayroon ngayon an 111 PNP generals.
Hindi naman direktang sinabi ni Fajardo na ang 232,000 na PNP personnel ay kayang hawakan ng 25 generals lamang.
Ang PNP aniya ay mayroong 17 regional offices, bukod pa sa Negros Island Region, apat na command groups, 11 directorates at 14 na national support units.