-- Advertisements --

Hinihintay na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang approval ng Supreme Court (SC) hinggil sa protocol para magamit na ang mga body cameras.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang nasabing protocol ang siyang magsisilbing guide ng mga pulis sa paggamit ng tama sa mga body-worn cameras sa kanilang operasyon.

Sinabi ni Eleazar ang pagsuot ng mga pulis ng mga body camera, hindi ibig sabihin nito na magkakaroon ng improvement sa kanilang operasyon pero magsisilbi itong poteksiyon sa mga pulis.

Nasa 2,696 body-worn cameras ang binili ng PNP para magamit sa kanilang ibat ibang law enforcement operations.

Bawat major police stations ay bibigyan ng tig 16 na mga body camera at makaka record ng video ng hanggang walong oras.

Inihayag ni Eleazar naipamahagi na sa ibat ibang police stations ang mga body camera.