Wala pang natatanggap direktiba ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa polisiya na “No Booster, no entry.’
Sinabi ng PNP hihintayin muna nila ang desisyon ng Inter Agency Task Force on Covid 19 (IATF) para sa posibleng pagpapatupad ng “No booster shot, no entry” sa mga establisimiyento.
Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, hangga’t walang desisyon ang IATF, ang susundin lang nila sa ngayon ay ang mga local Executive order na nag-rerequire lang ng vaccine card sa pagpasok sa mga establisimiyento.
Binigyan diin ng PNP Chief na ang protocol na ito ang paiiralin hangga’t walang pagbabago depende sa Covid alert Level status.
Sa panig aniya ng PNP, 40 porsyento na ng kanilang mga tauhan ang nakatanggap ng booster shot.
Hinimok naman ng PNP Chief ang iba pang mga tauhan ng PNP na magpa-booster shot na sa pinakamaagang pagkakataon dahil delikado silang mahawaan ng Covid 19 sa kanilang pakikisalamuha sa publiko sa pagganap ng kanilang tungkulin.