-- Advertisements --

Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na maging mapagmasid at agad na isumbong sa kanilang opisina ang anumang nagaganap na pagbili at pagbenta ng mga boto ngayong national at local elections.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Marbil na hindi sila magdadalawang isip na aarestuhin ang sinumang mahuling nagbebenta o bumibili ng ng mga boto.

Mahigpit din ang bilin nito sa mga kapulisan na palakasin ang monitoring at imbestigasyon laban sa mga nagbebenta at bumibili ng mga boto.

Tiniyak naman nito na hindi niya papalagpasin na mabigyan ng mabigat na kaparusahan kung may pulis na sangkot sa pagsawsaw sa pulitika.