Nagsumite ng position paper ang PNP Highway Patrol Group (HPG) sa Kongreso.
Layon nito para amyendahan ang “Helmet Law.”
Ayon kay PNP HPG Spokesperson Senior Inspector, Jem Delantes nais kasi nilang maidagdag sa nasabing batas ang pagsusuot ng half face helmet ng mga motor riders na gumagamit ng mababang klase ng motorsiklo o below 400 cylinder Capacity pababa.
Habang full face helmet naman ang dapat gamitin sa mga motorsiklong mas mataas sa 400 CC o tinatawag na big bike.
Pahayag ni Delantes na sa nasabing paraan mas mabilis na mamumukhaan ang rider ng mga malilit na motorsiklo na karaniwang ginagamit ng mga riding-in-tandem.
Nakipag-ugnayan na rin ang HPG sa mga motorcycle clubs para sa mas mabilis na koordinasyon.
Nais din ng HPG na malagyan ng plate number ang harapan ng motorsiklo.
“We proposed na lahat ng 400cc below dapat half face ang susuotin nila so makikita ang mukha ng tao lahat ng 400cc above na motor dapat full face na and ginagAmit ng riding in tandem maliit na motor hopefully ma consider ang position paper namin,” pahayag ni Delantes.
Umaasa ang HPG na pagbigyan ng Kongreso ang kanilang kahilingan.