-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang kanilang nabawing mga nakaw na sasakyan sa buwan ng Enero ngayong taon.

Batay sa datos, aabot sa 76 na mga sasakyan ang kanilang nabawi mula sa mga magnanakaw.

Resulta ito ng walang humpay na operasyon ng PNP-HPG laban sa mga Carnaper.

Ayon kay PNP-HPG Director, Police Brigadier General Eleazar Matta,, ipagpapatuloy nila ang ganitong mga operasyon para matigil ang ganitong ilegal na aktibidad.

Mula sa naturang bilang ng sasakyan, pinakamarami ang 4-wheeled vehicles na aabot sa 59.

Sinusundan ito ng motorsiklo na aabot sa 17.

Sumampa na rin sa 45 suspek ang naaresto ng mga tauhan ng PNP-HPG .

Nakapaghain na rin ang HPG ng 14 na kasong kriminal laban sa mga nasasangkot sa pagnanakaw ng sasakyan.