Magpapadala ng karagdagang bilang ng mga kapulisan ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong summer season.
Ayon kay PNP-HPG Spokesperson PLt. Nadame Malang,magpapakalat ng aabot sa 700 pulis ang kanilang hanay sa ibat ibang lugar sa bansa para matiyak ang mas striktong pagpapatupad ng seguridad sa bansa.
Ang mga personel ay itatalaga bikang katuwang ng lokal na pulisya sa iba’t ibang bayan at siyudad lalo na sa mga itinayong checkpoints sa mga ito.
Ang pagdadagdag ng mga pulis sa mga checkpoints ay bahagi pa rin ng mas striktong implementasyon ng gun ban, at ilan pang prohibisyon ngayong election period.
Samantala, tiniyak naman ni Malang na mas paiiralin ng pulisya ang “plain view doctrine” para maiwasang malabag ang mga karapatang pantao ng mga motorista a mga checkpoints ng PNP.