-- Advertisements --
Nagpakalat ng counter intelligence operatives ang PNP-Highway Patrol Group (HPG) para hindi na lumala pa ang mga insidente ng pangongotong sa mga traffic violator sa EDSA.
Ayon kay PNP-HPG Director, BGen. Eliseo Cruz target niya na mapigilan na ang pangongotong sa mga motorista.
Sinabi ni Cruz, bukod sa 187 na patrollers, nagdeploy din sila ng counter intelligence operatives na tututok sa mga iligal na aktibidad ng mga pulis sa kalsada.
Dagdag pa ni Cruz, mahigpit ang kanyang utos na wala dapat nagsasamantala ng mga recovered vehicle at wala ring dapat mag issue ng motor vehicle certificate for non appearance na walang ginagawang inspeksyon.
Nagsanib pwersa ang HPG at MMDA para magmando ng trapiko sa may kahabaan ng Timog at Ortigas.