-- Advertisements --

hpg1 1

Nasa 100 mga full face helmets ang ipinamahagi ng PNP-Highway Patrol Group sa mga motorista sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City kaninang umaga.

Target ng HPG bigyan ang mga nagmomotorsiklo na gumagamit ng open face at modular helmet.

Ayon sa bagong hepe ng HPG a si BGen. Alexander Tagum, ang full face helmet kasi ang required ng National Task Force Against Covid-19 ngayong nasa General Community Quarantine ang Metro Manila at ilang lugar sa bansa.

Nagsagawa din ng inspection si Tagum sa mga bus na dumaraan sa Commonwealth Avenue, siniguro na sumusunod sa social distancing at kung overloaded ang bus.