Sasailalim sa mas matinding pagsasanay sa paggamit ng motorsiklo ang mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group (HPG).
Kasama sa sasalang sa training ay mga local police.
Ito ay kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin ang kampanya laban sa mga motorcycle riding criminals at iba pang mga street crimes.
Ayon kay Tagum, inatasan na ang lahat ng kanilang mga Regional Offices na i-consolidate kung sino sino na ang sumalang sa mga Motorcycle Riding Courses.
Ang mga Trained nang Riders ay sila ngayon ang magtuturo sa mga bagong gustong makasama sa mga Motorcycle Units kontra sa mga Riding in Tandem.
Sinabi ni Tagum welcome din s kanila ang mga civilian na trained riders na gustong tumulong magtraining.
Kabilang sa pinakahuling biktima ng mga riding-in-tandem criminals ay ang retired PNP Provincial Director ng Bulacan na si Col. Fernando Villanueva sa Calumpit, Bulacan.