-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Araw-araw nang nagsagawa ng Comelec Checkpoint ang PNP-Highway Patrol Group North Cotabato.
Sinabi ni PNP-HPG Provincial Chief, Police Lieutenant Colonel Danilo Lopez, na nakatutok sila ngayon highway inspection sa pinatutupad na Comelec Gunban.
Dagdag ni Lopez na wala pa anya silang nahuhuling lumabag sa Comelec Gunban maliban lamang sa paglabag sa batas trapiko sa probinsya ng Cotabato lalo na sa Kidapawan City.
Karamihan sa lumabag sa batas trapiko ay bumabyaheng walang OR-CR at paso na ang drivers license.
Nanawagan si Lopez sa mga motorista na kompletuhin muna ang kanilang mga papeles upang hindi sila mahaharap sa patong-patong na kaso kung sakaling masangkot sa anumang disgrasya sa kalsada.