Naihain na raw ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang mga kasong kriminal at administratibo laban sa siyam na pulis na sangkot sa insidente ng pamamaril sa Jolo, Sulu noong Hunyo.
Ito ang inamin ng bagong hepe ng pambansang pulisya na si Gen. Camilo Cascolan sa kanyang unang media briefing kaninang umaga.
Ayon kay Cascolan, sinampahan din ng reklamong gross neglect of duty ang tatlong senior officers ng siyam na tinuturong police suspects.
Inaasahan daw ang pagdala sa Camp Crame sa tatlong opisyal.
Kung maaala, una nang kinasuhan ng murder at planting of evidence ng National Bureau of Investigation (NBI) ang siyam na pulis na sinsabing bumaril-patay sa apat na sundalo.
Inihahanda naman na ng Philippine Army ang hiwalay pang kaso sa mga sangkot na pulis.