Nakatakda nang isumite ng PNP-IAS ang kanilang draft recommendation laban sa grupo ni SSupt. Marvin Marcos na nahaharap sa kasong administratibo dahil sa kasong pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na tapos na sila sa kaso nina Marcos.
Bago magtapos ang buwan ng Pebrero isusumite na ng IAS kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa ang kanilang desisyon at rekumendasyon para kaniyang aprubahan.
Ayaw munang ibunyag ni Triambulo kung ano ang kanilang desisyon at ibinigay na rekumendasyon laban sa grupo ni Marcos dahil for submission pa ito.
No comment naman si Triambulo kung parehas ang ibababa nilang desisyon sa grupo ni Marcos.
Paliwanag naman ni Triambulo na pagkatapos nila masumite kay PNP chief ang kanilang draft decision at rekumendasyon ay may 30 arae pa ang pinuno ng pambansang pulisya para magbaba ng kaniyang final decision kung tuluyan ng masibak sa serbisyo ang mga pulis.
Nasa 20 mga pulis ang sangkot sa pagpatay sa dating alkalde ng Albuera,Leyte.
Inaasahan din na bago magtapos ang buwan ng Marso magbaba na rin si PNP chief ng kaniyang desisyon sa grupo ni Marcos.