Nirerespeto ng Philippine National Police (PNP) ang naging desisyon ng korte kaugnay sa kaso ng pagpatay sa menor de edad na si Kian Delos Santos.
Una rito, batay sa inilabas na desisyon ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 125, napatunayang guilty sa pagpatay kay Delos Santos sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda and PO1 Jerwin Cruz noong Agosto 2017.
Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. Benigno Durana, ang inilabas na desisyon ng korte ay patunay lamang na gumagana ang judicial system sa bansa.
Nilinaw din ni Durana na walang kinalaman ang kanilang “war on drugs” sa pagpatay ng tatlong pulis sa estudyante.
Pinaaalalahanan naman ng PNP sa kanilang hanay na maging maingat sa kanilang mga ilulunsad na police operations.
Tiniyak naman ni Durana na hindi titigil ang kanilang mga operasyon dahil lamang sa kasong ito.