Nakahandang tumulong ang PNP sa National Housing Authority (NHA) lalo na sa pagsasagawa ng imbestigasyon at tukuyin kung sino ang nag-udyok sa mga miyembro ng Kadamay na okupahin ang ilang bakanteng pabahay ng gobyerno para sa mga pulis at militar.
Ayon kay PNP Spokesperson SSupt. Dionardo Carlos na kanilang iimbestigahan ang ginawang iligal na pag take over ng mga miyembro ng Kadamay sa 5,107 units sa anim na housing projects sa Pandi at San Jose Del Monte sa Bulacan noong March 8.
Sinabi ni Carlos na kanila ding sisilipin ang mga reklamo na ang housing board ng PNP ang dapat managot dahil sa delay sa pag award sa mga nasabing housing units para sa mga miyembro ng PNP.
Ibinunyag din ni Carlos na ilan sa kanilang mga miyembro ay nagco-comply pa ngayon sa
kanilang mga requirements sa housing board habang ang iba units ay occupied na.