-- Advertisements --
PNP chief Oscar Albayalde
General Albayalde/ FB image of PNP

Ikukunsidera ng PNP na “fugitives” ang halos 2,000 presong pinalaya dahil sa Good Conduct Time allowance (GCTA).

Ito ang inihayag ni PNP chief General Oscar Albayalde, sakaling ma-invalidate ang release order para sa mga ito.

Sinabi ni Albayalde, kung lumabas aniya na hindi valid ang pagpapalaya sa mga presong ito ay maaring ipatupad ang “warrantless arrest” laban sa mga ito.

Sinabi ng PNP chief na handa silang makipagtulungan sa Bureau of Corrections para ma-account ang lahat ng mga pinalayang inmates kung kakailanganin na ibalik sa kulungan ang mga ito.

Kasalulukuyan aniyang sinusubaybayan ng PNP ang “developments” sa isyung ito, at handa silang tumalima sa anumang kautusan ng mga nakatataas kaugnay ng usaping ito.

Magugunitang kinuwestyon ng ilang mga mambabatas ang pagpapalaya sa mga nahatulan sa heinous crimes, gayung sinasabi na hindi kwalipikado ang mga ito sa GTCA law.