Dalawa pang pulis ang nakarekober mula sa COVID-19 infection, ayon sa PNP Health Service.
Dahil sa panibagong recoveries pumalo na sa 42,097 ang mga pulis na nakarekober sa nasabing sakit.
Sinabi naman ni PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos, ilang araw ng walang naitatalang Covid-19 cases ang Pambansang Pulisya.
Hindi na rin nadagdagan ang 125 na namatay na pulis mula Nobyembre 10.
Ang kabuuang naging kaso ng COVID-19 sa PNP ay sumampa sa 42,245.
Samantala, 214, 308 pulis ang fully vaccinated laban sa coronavirus disease; 9,781 naman ang may unang dose ng bakuna habang 1,432 na lamang ang hindi nababakunahan dahil sa medical condition at paniniwala.
Patuloy naman hinihimok ng ASCOTF sa pamumuno ni PNP Deputy Chief for Operations (TDCO) Lt. Gen. Joselito Vera Cruz ang kanilang mga personnel na ayaw pa rin magpabakuna.
Sinabi ni Vera Cruz na umaasa sila na magbabago pa ang isip ng kanilang mga kasamahan at magpa bakuna na rin ang mga ito.
Sa datos ng ASCOTF nasa 1,432 o 0.63% personnel ang hindi pa vaccinated kung saan 769 dito ay mayruong valid reason habang 663 ang walang valid reason.