In-activate na ng Philippine National Police (PNP) ang Task Force Manila Shield, isang komprehensibong hakbang sa seguridad na layong pigilan ang anumang pagtatangka na guluhin ang mga major public events sa Metro Manila.
Sinabi ni Col. Jean Fajardo, PNP public information officer, na ipinatupad ang Manila Shield noong Sabado ng hatinggabi.
Sa pag-activate ng Task Force Manila Shield, sinimulan ng PNP ang iba’t ibang security operations tulad ng pagpapatupad ng mga checkpoint sa loob at labas ng Metro Manila, partikular sa CALABARZON at Central Luzon.
Ihahanda din ng PNP ang mga civil disturbance management teams at elite units tulad ng Special Action Force.
Nagsimula na rin ang tatlong araw na gun ban at tatagal hanggang Lunes.
Samantala, hindi naman bababa sa 23,000 pulis ang magse-secure ng SONA, na may humigit-kumulang 6,000 na ipapakalat sa Batasang Pambansa Complex at sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.