Inaasahan ng Philippine National Police (PNP) na magkakaroon ng mga protesta sa State of the Nation of the Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PNP Spokesperson Jean Fajardo, magkakaroon sila ng mga minor adjustments sa mga susunod na araw sakaling pahintulutan silang mag-rally.
Ayon pa sa tagapagsalita, sakaling hindi sila payagan na mag-rally, maaari nilang gawin ito sa Quezon Memorial Circle o sa University of the Philippines (UP).
Dagdag pa ni Fajardo, no rally zone ang Commonwealth Quezon City, ngunit pinapayagan ang mga magpoprotesta hanggang sa Tandang Sora.
Samantala, nasa 22,000 naman aniya ng mga pulis ang ipakakalat para sa SONA.
Ipinaalala rin ni Fajardo na hindi papayagang magsunog ng effigy at huhulihin nila ang mga lalabag sa mga umiiral na batas.