-- Advertisements --
Bikoy advincula
Peter Joemel Advincula alyas Bikoy when he suddenly appeared at IBP office in Ortigas

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na wala na kanilang poder si Peter Joemel Advincula na nagpakilalang Bikoy na nasa likod ng ang Totoong Narcolist Video.

Ayon kay PNP Spokesman P/Col. Bernard Banac, malaya na si Advincula matapos makumpleto nito ang paghahain ng sinumpaang salaysay, dalawang linggo na ang nakakaraan.

Paliwanag ni Banac, sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kanyang mga alegasyon at kung may katanungan ang PNP ay saka lamang siyang ikontak.

Samantala, sinabi naman ni Banac na hindi nakapasa si Advincula sa threat assessment dahil hindi naman nakumpirma kung totoo nga bang may banta sa kanyang buhay.

Bukod dito, verbal lang daw ang kanyang hiling at walang pormal na sulat sa PNP para manghingi ng proteksyon.