-- Advertisements --

Sinisiyasat na ng pulisya ang pagkasawi ng tatlong operatiba ng Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Nangyari ito sa isang ambush sa Barangay Baimbing, Lamitan, Basilan nitong Lunes.

Ayon sa mga paunang ulat mula sa Lamitan City Police Station at Basilan Provincial Police Office, ang mga biktima, na mga miyembro umano ng isang unit ng ISAFP na nakabase sa Zamboanga, ay sakay ng isang van nang sila ay pinaulanan ng bala ng mga armadong salarin gamit ang assault riffle sa Barangay Baimbing.

Ang mga imbestigador mula sa pulisya ng lungsod ng Lamitan ay nagpapalagay na ang tatlong tauhan ng ISAFP ay nasa isang intelligence mission sa lungsod ng Lamitan nang sila ay tambangan, na nagresulta sa kanilang agarang pagkamatay.

Sa ngayon ay nangangalap na ng impormasyon ang mga otoridad para sa pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng pamamaslang.