-- Advertisements --

Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng mga pinagbabawal na paputok sa pagdiriwang ng Holiday Season.

Ayon sa PNP-Firearms and Explosive Office na ilan sa mga listahan na ipinagbabawal ay ang Watusi, five star, plapla, picollo, giant bawang, goodbye Bading, Atomic Bomb, Bin laden, boga, Pillbox, coke in Can at mga kahalintulad na malalakas na uri ng paputok.

Pagtitiyak nila na tuloy-tuloy ang kanilang gagawing paghuli sa mga nagbebenta ng nasabing mga paputok.

Nabigyan na rin nila ng listahan ang mga kapulisan at maging ang mga negosyante na nagbebenta ng paputok para sila ay sumunod.

Magugunitang nagtala ang Department of Health ng 291 na sugatan sa pagsalubong ng 2023 na mas mataas ito noong 2021 na mayroong 186 na kaso ng naputukan.