-- Advertisements --

Inilatag ng Philippine National Police ang ilan sa mga maaaring kaharaping kaparusahan ng taong nasa likod ng pagpapakalat ng malisyosong bidyo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ang nasabing video na ito ay inilarawan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. na iniuugnay sa Pangulo.

Makikita raw kasi doon na allegedly may isang tao na sumisinghot ng isang droga. Iyon daw ay ang ipinakakalat ngayon na tila isinabay sa SONA ni PBBM nitong Lunes.

Dahil dito, magsasagawa sila ng kaukulang hakbang at una raw nilang aalamin kung ano raw ang video na iyon, kung sino talaga ang taong iyon, kung saan galing ang naturang video at kung sino ang mga nagpakalat nito online.

Ayon naman kay PBGen Matthew Baccay, malinaw na paglabag ito sa batas gayundin ang ilan sa mga indibidwal na nagpapakalat nito.