-- Advertisements --
Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nakapwesto na sa mga matataong lugar lalo na sa Holy Week ang kanilang mga tauhan.
Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan na magbibiyahe para sa paggunita sa Semana Santa.
Ayon kay PNP spokesperson S/Supt. Dionardo Carlos, nakalatag na ang seguridad na kanilang ipapatupad sa mga terminal ng mga pampublikong transportasyon tulad ng mga istasyon ng bus, daungan, paliparan maging ang mga simbahan.
Nakahanda na rin ang mga tauhan ng PNP na poposte sa mga Police Assistance Desk na siyang tutugon naman sa pangunahing pangangailangan ng publiko.