Required na ngayon ang mga security provider ng mga pribadong establisimiyento na magsagawa ng crisis drill, apat na beses kada taon.
Ito ay kasunod na sa nangyaring pag atake sa Resorts world manila na hindi malaman ng mga security guard ang kanilang gagawin lalo na nang pumasok ang gunman at nanunog ng casino tables.
Ayon kay P/Dir. Camilo Pancratius Cascolan ng PNP directorate for operations, mahalagang alam ng mga gwardya at empleyado ng mga business establishment ang mga dapat gawin sa oras na may umatakeng armadong tao sa kanilang lugar.
Hindi lamang aniya dapat fire at earthquake drill ang sinasanay ng publiko.
Batay sa lumabas na imbestigasyon ng PNP – Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) na hindi sanay ang mga gwardya ng Resorts World sa senaryo ng isang pag-atake.
Batay sa ginawang pagtatanong ng PNP, hindi masagot ng nasabing Hotel Casino kung kailan sila huling nagsagawa ng crisis exercises.
Binigyang diin ni Cascolan na obligado na rin ang mga security agency na magpasa ng kani-kanilang updated security plan at dapat nakasaad dito ang kanilang crisis management measures.
Layunin nitong maiwasana ang kahalintulad na insidente sa Resorts World Manila.