Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PDir. Oscar Albayalde na epektibo ngayong araw, mahigpit na nilang ipapatupad ang smoking ban.
Sinabi ni Albayalde na kanilang huhulihin ang sinumang lalabag sa Executive Order 26 o anti smoking law.
Bukod sa mga lumalabag sa smoking ban, huhulihin din ng mga pulis ang sinumang mag-iinuman sa mga kalye.
Sa ilalim ng nasabing batas, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga public and private transportation utilities maging sa ibat ibang mga establisimiyento gaya ng mga paaralan, hospital, clinics at sa mga lugar kung saan hinahanda
ang mga pagkain
Pwede pa rin manigarilyo pwero dapat sa mga Designated Smoking Areas (DSA).
Ang mga lalabag sa EO 26 ay may kaukulang parusa at multa mula 500 pesos hanggang 10,000 pesos at posibleng makulong pa ito.
Ayon sa Department of Health (DOH) hindi kasama sa batas ang vapes at e-cigarettes.