Ipinauubaya na ng Philippine National Police (PNP) sa korte kung ano ang magiging desisyon nito sa inihaing kaso ng PNP CIDG laban kay VP Leni Robredo, Senators Antonio Trillanes,Riza Hontiveros at iba pa.
Ayon kay PNP Deputy spokesperson LtCol. Kimberly Molitas naisampa na ang kaso laban sa mga nasabing personalidad kaya korte na ang magdedesisyon dito.
Sinabi naman ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde na hindi namumulitika ang pulisya.
Umani ng kaliwat kanang kritisismo ang PNP ukol sa pagsasampa ng CIDG ng kasong sedition laban kina VP Robredo at iba pa.
Si Joemel Advincula alias Bikoy ang ginawang testigo ng CIDG sa kaso.
Ibinase kasi ng PNP ang mga naging pahayag ni Bikoy sa pagsasampa ng kaso.
Maalalang kahapon ay inihain ng nagpakilalang nasa likod ng Bikoy videos na si Peter Jomel Advincula ang mga kasong sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, harboring a criminal at obstruction of justice sa Department of Justice (DoJ) kasama ang kanyang abogadong si Atty. Larry Gadon.
Kasama pa sa mga kinasuhan sina dating Supreme Court (SC) PIO Chief Theodore Te maging si dating Solicitor General (SolGen) Florin Hilbay mga pari at obispo sa pangunguna ni Archbishop Socrates Villegas at iba pang kilalang personalidad at mga John at Jane Does.