-- Advertisements --

eleazarcpnp

Nagkakatugma ang mga salayasay ng dalawang testigo sa Valenzuela shooting incident na aksidente ang pagkakabaril sa 18 taong gulang na si Erwin Arnigo.

Ito ang inihayag ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar matapos, ilabas sa isang social media post ni Valenzuela City Mayor Rex Gachalian ang pahayag ng testigong hawak nila.

Kinontra ng testigo ang pahayag ng pulis na nagkaroon ng agawan ng baril, pero naniniwala itong aksidente ang pagputok ng baril base sa reaksyon ng pulis.

Ayon kay Eleazar, may isang testigo din na lumapit sa kanya at personal niyang nakausap noong martes, na nagbigay ng pahayag na tumutugma sa salaysay ng testigo ni Gatchalian.

Sinabi ni Eleazar, nai-turn over na niya ang testigo sa NBI, para maiwasan ang anumang pagduda sa isinasagawang imbestigasyon.

Nanawagan naman si Eleazar sa publiko na hintayin nalang ang resulta ng imbestigasyon ng NBI at PNP Internal Affairs Service (IAS) sa kaso.