-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang 2,765 na mga pulis ang kinastigo ng Philippine National Police matapos ang pagkakasangkot ng mga ito sa iba’t ibang kaso noong 2024.

Sa isang pahayag ay sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, ang hakbang na ito ay nagpapakita lamang ng epektibong pagpapatupad ng internal disciplinary mechanism sa kanilang hanay.

Sa datos na inilabas ng PNP, aabot sa 5,457 PNP Personnel ang naharap sa mga reklamo dahil sa mga kaso nitong kinasangkutan noong nakalipas na taon.

Mula sa naturang bilang, aabot sa kabuuang 3,551 ang napatawan ng administrative case at 2,691 napawalang sala.

Pinatawan naman ng suspension ang nasa ang 1,112 pulis na kinabibilangan ng isang Colonel, 19 Lieutenant Colonels, 29 Majors, 30 Captains at 22 Lieutenants.

Tuluyan ring nasibak sa kanilang mga pwesto ang nasa 903 police officers dahil sa pagkakasangkot nito sa iba’t ibang kaso.