-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Isinusulong sa ngayon ng mga otoridad sa Datu Odin Sinsuat (DOS) Maguindanao del Norte matapos na umakyat na sa anim ang bilang ng mga nasawi at 13 ang nasugatan sa pagkarambola ng tatlong sasakyan.

Ito ang inihayag ni Police Major Regie Abellera, hepe ng Datu Odian Sinsuat Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ang mga nasawi na sina Unasan Kaul, driver ng van mula sa Guindulungan Maguindanao del Sur, pasahero nito na sina Norhaimin Baladek at Manaut Guialudin, pawang mula sa General SK Pendatun Maguindanao del Sur.

Patay din sina Kaidu Manalasal at Mamakong Salimbao na dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City na mga sakay din ng van.

At nadagdag sa mga nasawi ang driver ng Toyota pickup na si Bomber Gani .

Samantala, nasa labing-tatlo katao ang nasugatan na ginagamot pa rin sa ospital.

Lumabas sa imbestigasyon na ang van ay nagmula sa General SK Pendatun patungong Lanao Del Sur para dumalo sa family reunion habang galing sa Lanao Del Sur ang pickup patungong South Cotabato ngunit pagdating sa Sitio Gubat Barangay Makir Datu Odin Sinsuat Maguindanao Del Norte ay nangyari ang aksidente.

Nadamay naman ang isang payong-payong na traysikad na kabilang din sa mga sugatan.

Mabilis umano ang ng pickup kaya bumangga ito sa van at nadamay pa traysikad.

Sa ngayon, naglagay na ng detachment sa lugar ang pulisya na magsisilbing bantay sa mga motorista maliban sa ipapatupad na speed limit sa lugar.

Napag-alaman na marami din ang nagsasagawa ng drag race sa nasabing highway na binabantayan ng pulisya.