Aminado ang Philippiiine National Police (PNP) na malaking hamon sa seguridad sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games ang nararanasang problema sa trapiko.
Ayon kay PNP spokesperson B/Gen. Bernard Banac, incharge din ang kanilang hanay sa pagbibigay seguridad sa convoy ng lahat ng mga delegado.
Pati na galaw ng mga athletes, kabilang na ang transportation sa November 30 ay dapat din nilang tutukan.
Kaya kung hindi raw makikipag-cooperate ang mga motorista siguradong made delay ang convoy ng mga delegates at atleta.
Apela ng PNP sa mga motorista na kapag dumaan ang convoy ng SEA Games at marinig na ang sirena ay mag-give way ang mga ito.
Sa ngayon kasi hindi pa na-finalized kung magkaroon ng special lane para sa SEA Games.
Sa ngayon ang stop and go scheme pa rin ang ipatutupad ng PNP.