KORONADAL CITY – Itinaas pa sa ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa North Cotabato matapos na muling sumiklab ang tensiyon sa dalawang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagresulta sa pagkasugat ng dalawang sibiliyan.
Ayon kay Police Col. Harold Ramos, provincial director ng South Cotabato sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, muling nagka-engkwentro ang grupo nina Kumader Jack Abas at Kumander Buto Sanday na pawang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bahagi ng boundary ng Brgy Inug -ug at Brgy. Talitay sa nabanggit na bayan.
Dahil sa tensiyon at palitan ng putok ay lumikas ang mga residente sa lugar kasama ang kanilang mga alagang hayop.
Dagdag pa ni Ramos, naayos na ang sigalot at hindi pagkakaunawaan ng dalawang grupo ngunit hindi maikakailang nagsiula sa rido ang away ng dalawang panig.
Sa ngayon, dalwang mga sibilyan ang sugatan at sinasabing mula din sa dalawang panig.
Kaugnay nito, siniguro naman ni Ramos na patuloy silang nagbabantay sa seguridad at nakikipag-ugnayan sa local government unit (LGU) upang mapigilan ang spillover ng kaguluhan sa karatig na mga lugar.