-- Advertisements --
Itinaas ng Metro Manila police sa full-alert status matapos ang magkasunod na pagsabog sa Indanan, Sulu.
Sinabi ni National Capital Region police chief Major General Guillermo Eleazar, na ang hakbang ay bilang “proactive measures”.
Nilinaw nito na walang direktang banta sa Metro Manila kaya mahalaga ang pagiging alerto ng PNP.
Hinikayat nito ang mga mamamayan na agad na magsumbong sa kapulisan ang anumang kahina-hinalang bagay sa kapaligiran.
Magugunitang umabot sa walong katao ang namatay habang 12 ang sugatan sa nangyaring insidente.