KORONADAL CITY – Itinaas na sa full alert status ngayon ang seguridad sa buong lungsod ng Koronadal matapos ang pagsabog ng IED sa backseat ng YBL bus habang nasa kahabaan ng Gensan Drive corner Aquino St. Koronadal City alas-12:30 kahapon kung saan nasa 3 katao ang nasugatan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Col. Nathaniel Villegas, provincial director ng South Cotabato, maliban sa Koronadal City ang ipinag-utos na rin nito ang mahigpit na pagbabantay sa mga entry ay exit points sa buong lalawigan ng South Cotabato.
Matatandaan na mula sa Kidapawan City ang Bus na may plate number MWB 276 at body no. 2108 na dumaan sa Tacurong City papuntang lungsod ng Koronadal sakay ang apat na mga pasahero nang sumbog sa kahabaan ng Gensan Drive, Aquino Street.
Ayon kay Villegas, ang nakuhang CCTV footage sa pagsabog ay makakatulong ng malaki upang makilala ang mga suspek.
Sa ngayon wala pang grupo na umamin sa pagsabog ngunit may tinutukoy na ang pulisya.
Sa ngayon ligtas na ang 3 sugatan sa pamomomba matapos magamot sa South Cotabato Provinsial Hospital.
Mahigpit na kinundena naman ng sa YBL ang pangyayari kung saan aalamin din nila kung sino ang responsable sa pangyayari.
Patuloy na naninindigan naman ang kumpanya na bago ang pagsabog wala naman silang natanggap na pagbabanta.
Napag-alan na ang pinasabugan na bus ay “Libreng Sakay” na may biyaheng mula Kidapawan City, dumaan sa lungsod ng Tacurong at mag-re-refuel lang sana dito sa lungsod ng Koronadal.