-- Advertisements --

Itinanggi ng Philippine National Police na mayroong sangkot na pulis sa naganap na kidnapping at pagpaslang sa negosyanteng Filipino-Chinese na si Anson Que.

Sa isang pulong balitaan na ginanap ngayong araw, inihayag mismo ni Philippine National Police Chief PBGen. Rommel Francisco Marbil na walang dawit na pulis hinggil sa insidente.

Kung saan itinanggi nito ang pagkakaroon o pagkakasangkot ng ilang pulis sa sinapit na pagkamatay ng naturang negosyante.

Maalala na nito lamang nakaraan ay natagpuang wala ng buhay si Anson Que at ang kanyang driver sa Rodriguez, Rizal, mula ng ito ay mawala dalawang linggo ang nakalilipas.

Kaya naman dahil dito, sineguro ng pambansang pulisya na patuloy ang mga isinasagawang imbestigasyon nito upang matukoy kung sino ang nasa likod ng naganap na pagpaslang.

Pati ang koordinasyon at pakikipagtulungan sa iba pang ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Justice, National Bureau of Investigation, at Bureau of Immigration ay kanilang ring tiniyak.