Nagbanta ang PNP na kanilang kakasuhan ang mga kamag-anak at kaibigan ng mga presong pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) na hindi pa rin sumusuko.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief MGen. Guillermo Eleazar, sa oras na mahuli nila ang mga presong ito na nasa bahay ng kanilang nga kamag-anak ay kakasuhan nila ito ng “Harboring a Fugitive.”
Sinabi ni Eleazar, maging ang mga taong kasama ng mga convicts sa oras na sila ay mahuli ay madadawit din sa kaso.
Babala ni Eleazar, hanggang hatinggabi mamaya na lamang maaaring sumuko ang mga presong kabilang sa 1914 na heinous crime convicts na nasa listahan ng Bureau of Corrections.
Sinabi ni Eleazar, mamayang hatinggabi ay papupuntahin na ng NCRPO ang kanilang nga tracker teams sa mga “known address” ng mga wanted na preso na nasa Metro Manila.
Umapela naman si Eleazar sa mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay ng mga naturang preso na himukin na ang mga ito na sumuko bago sumapit ang deadline.