Kakasuhan ng Philippine National Police (PNP) ng direct assault ang common wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña dahil sa pananakit sa isang babaeng pulis.
Sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, nagtamo ng sugat sa ulo ang babaeng pulis ng paluini ni Avancena ng cellphone ito.
Nag-ugat ang insidente sa nangyaring komosyon sa pagkakaaresto kay Duterte.
Inilalayo kasi ng kapulisan ang anak nitong si Veronica Kitty Duterte kung saan nagpupumilit na lumapit ang ina hanggang maipalo nito ang dalang cellphone.
Palalagpasin naman ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Maj. Gen. Nicholas Torre III ang ginawang pagmumura sa kaniya ng anak ng dating pangulo kung saan sinabi ng police official na makapal na ang kaniyang balat at sanay na itong murahin.