Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief police Gen. Oscar Albayalde na pormal nilang hihilingin sa Interpol ang paglalabas ng “red notice” laban kay CPP-NPA founding Chairman Jose Maria Sison at sa iba pang mga kasamahan nito.
Ayon kay Albayalde ang red notice ang mag-aalerto sa police forces sa buong mundo na wanted ang isang fugitive ng isang bansa.
Kung maaalala, naglabas ng arrest order ang Manila Regional Trial court laban kay Sison at iba pa dahil sa kasong murder kaugnay ng Inopacan massacre sa Leyte noong 1980s.
Nakikipag ungayan na raw ang PNP sa Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) para masimulan na ang proseso laban kay Sison.
Kasama ni Sison sa Utrecht,T he Netherlands ang kaniyang asawa at kapwa akusado na si Juliet De Lima Sison.
Amiando si Albayalde na kahit mapatawn ng red notice ay hindi pa maaresto si Sison ng local authorities sa The Netherlands dahil sa ipinagkaloob na kanyang political asylum ng Dutch government sa kanya.
Pero ginagawan na raw ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng paraan.
“I think yung AFP are working on it na para mawala na yung parang privilege ni Sison duon na siya ay binigyan ng assylum. So once na mawala yun at mabigyan kami ng red notice then he can be arrested,” pahayag ni Albayalde.
“Dapat matagal nang lumabas yung mga kaso na yan. We want to thank the judge that issued the warrant of arrest and eventually mabigyan ng justice yung mga pinagpapatay,” pahayag ng PNP chief.